^

PSN Palaro

FEU mabiktima kaya ng Adamson?

-
Nais ng nananalasang Adamson na maisama sa kanilang mga naging biktima ang Far Eastern U sa pag-asinta ng ikaapat na sunod na panalo sa pagbabalik ng aksiyon ng women’s volleyball sa V-League na ipiniprisinta ng Shakey’s sa Blue Eagle Gym.

Sa pangunguna ng power-hitting na si Cherry Rose Macatangay, hiniya ng Lady Falcons ang San Sebastian Stags sa straight sets, 25-15, 25-17, 26-24 noong nakaraang Lunes at nakisalo sa pangunguna sa De La Salle Lady Archers, ang defending champions taglay ang magkawangis na 3-0 panalo-talo kartada sa event na ito na presinta ng Shakey’s Pizza at suportado ng Mikasa, Accel, ABC-5 at ABC Sports.

Inaasahang sasakay ang San Marcelino-based spikers sa tikas ni Maca-tangay sa nakatakdang pakikipaglaban ng Adam-son sa FEU sa alas-6 ng gabi bilang main game.

Gayunpaman, inaasa-hang makakatikim ang Lady Falcons ng mabigat na hamon sa 2005 UAAP losing finalist kung saan nais rin ng Far Eastern U na masupil ang panana-lasa ng Adamson.

Sa katunayan galing ang Lady Tams sa magka-sunod na panalo na kinabibilangan ng 25-8, 27-25, 19-25, 25-23 pag-gapi laban sa Ateneo noong Miyerkules.

Nakatabla naman ang Lady Tams, na nanalo sa University Games noong nakaraang taon sa Philip-pine Christian U Lady Dol-phins, nakaraang taong NCAA runner-up, sa ikatlong puwesto taglay ang 2-1 (win-loss) slates.

Samantala, sasagu-pain naman ng Ateneo ang PCU sa alas-4 ng hapon sa opening game ng event na ito na inor-ganisa ng Sports Vision.

ADAMSON

ATENEO

BLUE EAGLE GYM

CHERRY ROSE MACATANGAY

CHRISTIAN U LADY DOL

DE LA SALLE LADY ARCHERS

FAR EASTERN U

LADY FALCONS

LADY TAMS

SAN MARCELINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with