^

PSN Palaro

Rain Or Shine nadisgrasya

-
Nagpamalas ng im-presibong laro si Aaron Aban sa ikaapat na quarter upang ihatid ang Toyota Otis Sparks sa 67-61 panalo laban sa nagdedepensang kam-peong Rain Or Shine sa pagpapatuloy ng 2006 PBL Unity Cup sa Olivarez College Sports Complex kahapon.

Dahil isa nang ganap na ama si Aban, inspi-rado ito sa pagsilang ng kanyang unang anak para ikamada ang 15-puntos sa ikaapat na quarter upang makalayo ang Toyota tungo sa kanilang ikawalong pa-nalo matapos ang 11-laro.

Nasolo ng Sparks ang ikalawang posisyon sa likod ng nangungu-nang Montaña Pawn-shop na may 8-2 kartada habang bumagsak na-man sa ikatlong puwesto ang Elasto Painters na lumasap ng ikatlong talo sa 10-laro.

Umiskor si Aban ng anim na puntos upang ilayo ang Toyota sa 59-49 patungo sa huling 4:20 minuto ng labanan.

Umabante na sa 51-39 ang Sparks bago matapos ang ikatlong quarter ngunit unti-unting nakalapit ang Rain Or Shine na dumikit sa 48-53 matapos ang three-point play ni Ron-jay Enrile at basket ni Marvin Ortiguerra.

Sa unang laro, ikina-mada ng Harbour Centre ang ikatlong sunod na panalo nang kanilang igupo ang Hapee-PCU, 69-64.

Nagtala si Chico La-nete ng 16-puntos u-pang pamunuan ang Port Masters sa ikali-mang panalo matapos ang 11-laro habang na-lasap naman ng Teeth Masters ang ikawalong kabiguan sa 11-pakiki-paglaban.

Ikinonekta ni L.A. Tenorio ang dalawang freethrows sa huling .6 segundo ng labanan para sa panigurong ka-lamangan ng Port Masters matapos mag-banta ang Hapee-PCU mula sa tres ni Mark Moreno.

AARON ABAN

ABAN

CHICO LA

ELASTO PAINTERS

HAPEE

HARBOUR CENTRE

MARK MORENO

MARVIN ORTIGUERRA

PORT MASTERS

RAIN OR SHINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with