Iroy nakipag-ugnayan kay Ramirez
May 3, 2006 | 12:00am
Matapos ang ilang araw na hindi pagpapakita, nakipag-usap na kahapon si Executive Director Atty. Guillermo Iroy kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William "Butch" Ramirez.
Sinabi ni Iroy na gusto ni Ramirez na paikliin ang kan-yang isinumiteng 15-day leave.
"Wala naman talagang naging problema sa amin ni chairman eh. In fact, gusto niya bumalik na agad ako earlier," wika ni Iroy.
Naging kontrobersyal ang pagpapasa ni Iroy ng kanyang 15-day leave bunga ng reklamo ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Go Teng Kok sa pagsisiwalat niya ng cash advances ng huli.
Dahilan rito, ipinanawagan ni Go ang pagbibitiw ni Rami-rez bilang PSC head dahilan sa kabiguang mapagbigyan ang kanyang financial request na P1.4 milyon para sa pag-daraos ng 2006 National Open Championships.
Naunang itinakda ng PATAFA ang naturang torneo sa Mayo 4-7. Ngunit iniurong na ito sa Hunyo dahilan sa kakulangan sa pondo.
"Anything that is related to the preparation of the athletes for the 2006 Asian Games tutulong ang PSC," ani Iroy.
Inaasahang babalik ang PSC Executive Director sa kanyang trabaho sa susunod na linggo. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am