Montaña kakapit sa pangunguna
May 2, 2006 | 12:00am
Puntirya ng Montaña Pawnshop na manatili sa pangunguna, samantalang hangad naman ng bagitong TeleTech na makasikwat ng panalo sa isang koponang kanilang tinalo.
Sasagupain ng Jewels ang Magnolia Spinners ngayong alas-4 ng hapon makaraan ang banggaan ng Titans at Granny Goose Snackmasters sa alas-2 sa second round ng 2006 PBL Unity Cup sa San Andres Gym sa Malate, Manila.
Muling nasambot ng Montaña ang liderato mula sa kanilang 7-2 kartada sa itaas ng nagdedepensang Rain Or Shine (7-3), Toyota Otis (7-3), Granny Goose (5-4), Magnolia (4-5), Harbour Centre (4-6), Hapee-PCU (3-7) at TeleTech (1-8).
Kasalukuyang nasa two-game winning run ang Jewels ni coach Nel Parado, ang huli ay kanilang kinuha mula sa 64-63 pagtakas sa Titans noong Sabado.
"Ang maganda sa team namin ngayon ay nagkakaintindihan na kami tungkol sa gusto kong ma-implement na system sa team," sabi ni Parado sa Montaña, bumigo sa Magnolia sa first round, 68-60.
Nabigo naman ang Magnolia ni mentor Koy Banal na mailista ang kanilang kauna-unahang back-to-back wins nang matalo sa Granny Goose, 45-65.
Sina Alex Compton, Froilan Baguion, Al Vergara, Ken Bono at Eric Dela Cuesta ang muling babandera sa Jewels katapat sina Arwind Santos, Kelly Williams, RJ Rizada, Kim Valenzuela at Mark Isip ng Spinners.
Sa inisyal na laro, hangad naman ng Titans ni Jerry Codiñera na maduplika ang kanilang 78-69 paggiba sa Snackmasters ni Robert Sison sa first round. Nasa isang six-game losing slump ang TeleTech. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am