^

PSN Palaro

Tuloy pa rin ang laban ng mga basketball stakeholders

-
Sa kabila ng katahimikan ng mga basketball stakeholders ukol sa isyu kontra sa sinibak nang Basketball Association of the Philippines (BAP), nakapagdaos na ito ng pulong noong nakaraang Miyerkules.

 "Hindi namin tinatantanan at hindi rin kami nag-gi-give up sa aming hangad na ma-lift ang suspension ng Pilipinas sa FIBA," wika ni PBA Commissioner Noli Eala sa aktibidad ng mga basketball stakeholders.

 Matatandaang ipinanukala ni FIBA secretary-general Patrick Baumann sa mga basketball stakeholders, binubuo ng PBA, PBL, UAAP at NCAA, na mag-imbita ng maraming grupo para sa Pilipinas Basketball.

Ang Pilipinas Basketball, kaagad na kinilala ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang kapalit ng BAP ni Joey Lina, ang idinulog ng mga basketball stakeholders kay Baumann bilang bagong cage body sa bansa.

Isang pulong ngayong linggo ang itinakda ni Eala sa layuning maplantsa na ang anumang gusot sa kanilang hangaring kilalanin ng FIBA.

"We are doing many things but at this point we cannot divulge anything yet," wika ni Eala. "Binubuksan namin ang aming pintuan at bintana para muling makausap ang mga dapat kausaping grupo."

Dahilan sa pagsuspinde ng FIBA sa BAP at sa Pilipinas, walang naidaos na basketball event ang POC sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games noong 2005.

Sakali namang katigan na ng FIBA ang Pilipinas Basketball, awtomatiko nang aalisin ng international cage body ang suspensyon sa bansa para makasali ang RP Team sa Asian Games sa Doha, Qatar sa December. (RCadayona)

ANG PILIPINAS BASKETBALL

ASIAN GAMES

BASKETBALL

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

COMMISSIONER NOLI EALA

EALA

JOEY LINA

PATRICK BAUMANN

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PILIPINAS BASKETBALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with