Nakatakda ang sagupaan sa Araneta Coliseum kung saan mapapasabak ang Pili-pinas Basketball, isang selec-tion team mula sa national pool na inihahanda ni coach Chot Reyes para sa Asian Games, laban sa mga bisitang NBA Legends na may mahuhusay na reinforcements.
Nasaksihan ng Cebu fans si Rodman at standouts ng NBA Development League kung paano nila hiyain ang San Miguel All-Stars noong Huwe-bes ng gabi sa Mandaue, 124-94.
"The fans there had a magnificent time," sabi ni Mario Whitmire, president ng nag-organisang West End Sports. "And with a lot of national pride at stake in this game, Im sure this (NBA Legends) team will come out even harder and stronger."
Sa likod ng kanilang hectic na schedule, nakapagpraktis pa sina Rodman, Otis Bird-song, Sidney Moncrief, Darryl Dawkins at Hall-of-Famers Alex English at Calvin Murphy para sa kanilang pakikipag-sagupa sa mga Pinoy na papangunahan ni Asi Taulava.
Hindi lamang panalo ang habol ng Team Philippines dahil nais ni Reyes na masukat kung nasaan na ang kanilang isinasagawang preparasyon para sa Asian Games.
Gayunpaman ay nanga-ngamba si Reyes, sa mga reinforcements ng NBA Legends na siyang dumiskaril kay Allan Caidic at sa buong San Miguel All-Stars sa Mandaue.
Nagpakitang gilas si Olu Famutini na nagpamalas ng ibat ibang slam dunks para sa kanyang 33 points.
Bukod kay Taulava, kasa-ma sa team si former MVP Willie Miller kasama sina Alaska standouts Nic Belasco at Mike Cortez, Air21 gun-slinger Ren-Ren Ritualo, Talk N Text guard Jimmy Alapag at Magnolia ace Kelly Williams.
Nakatakda ang laro sa alas-5:30 ng hapon.