Inaasahang babanderahan ni Xu Huaiwen, ang worlds No. 4 ladies singles player, ang kampanya ng Germany sa $120,000 tournament na humakot na ng atraksiyon mula sa mga manlalaro mula sa Malaysia, Singapore, India, Canada, Indonesia, Hong Kong, Japan, Korea, Taiwan, England, Viet-nam, Austria at host Philippines.
Nakipag-koordinasyon na ang Philippine Badminton Association at ang organizing img sa Asian Badminton Confederation upang maseguro ang bagong commitment mula sa iba pang nasyon na posible pang makalahok dahil may apat na linggo pa bago magsimula ang four-star tournament na hatid ng Bingo Bonanza Corp., at JVC.
Babanderahan ng Asuncion siblings--Kennie at Kennevic ang kampanya ng locals sa nasabing event na magsisilbi ring tune-up para sa mga lalahok naman sa Indonesia Open, isang six-star tournament at dalawang five-star events--Malaysia at Singapore Opens na nakatakda matapos ang Philippine Open.
Para sa detalye tumawag lamang sa PBA, Badminton Hall, Rizal Memorial Sports Complex, P. Ocampo St,, Malate Manila c/o Joel Maborang sa +639265973222 o mage-mail sa joebm_13@yahoo.com at aglipay@globe-quest.com.ph o maglog sa website ng event sa www.philippine-openbadminton.com.