3 pang bansa nagpatala na sa RP Open Badminton
April 30, 2006 | 12:00am
Nagpatala ang Germany, Thailand at Finland para sa first Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships na presinta ng PLDT Business Solutions, upang umabot na sa kabuuang 16 ang bilang ng mga koponan na nagkumpirma na ng kani-kanilang paglahok sa inagurasyon na pagtatanghal ng nasabing event simula sa May 24 sa PhilSports Arena.
Inaasahang babanderahan ni Xu Huaiwen, ang worlds No. 4 ladies singles player, ang kampanya ng Germany sa $120,000 tournament na humakot na ng atraksiyon mula sa mga manlalaro mula sa Malaysia, Singapore, India, Canada, Indonesia, Hong Kong, Japan, Korea, Taiwan, England, Viet-nam, Austria at host Philippines.
Nakipag-koordinasyon na ang Philippine Badminton Association at ang organizing IMG sa Asian Badminton Confederation upang maseguro ang bagong commitment mula sa iba pang nasyon na posible pang makalahok dahil may apat na linggo pa bago magsimula ang four-star tournament na hatid ng Bingo Bonanza Corp., at JVC.
Babanderahan ng Asuncion siblings--Kennie at Kennevic ang kampanya ng locals sa nasabing event na magsisilbi ring tune-up para sa mga lalahok naman sa Indonesia Open, isang six-star tournament at dalawang five-star events--Malaysia at Singapore Opens na nakatakda matapos ang Philippine Open.
Para sa detalye tumawag lamang sa PBA, Badminton Hall, Rizal Memorial Sports Complex, P. Ocampo St,, Malate Manila c/o Joel Maborang sa +639265973222 o mage-mail sa [email protected] at [email protected] o maglog sa website ng event sa www.philippine-openbadminton.com.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am