La Salle ipaparada ang Thai import vs Ateneo

Ipaparada ng La Salle ang kanilang Thai import sa kanilang pakikipag-laban sa Ateneo sa duelo ng mga binabantayang team sa balwarte ng huli sa V-League na ipini-prisinta ng Shakey’s.

Magpapamalas ng kanyang galing si Kancha Jindarat, dating national team mainstay na nagba-bakasyon mula sa Division One League sa Thailand, kontra sa magiting na Ateneo.

Inaasahang bibitbitin ng Thai ang La Salle sa kanilang pagsungkit sa ikalawang panalo sa harap ng homecrowd.

Puntirya naman ng Lady Blue Eagles ang sosyo sa liderato sa walang larong Adamson Lady Falcons.

Nakatakda namang magharap ang UE Lady Warriors at FEU Lady Tamaraws sa ganap na alas-4 ng hapon sa event na ipiniprisinta ng Shakey’s Pizza.

Ang mga laro ay isina-saere sa ABC-5 tuwing Lunes, Martes at Huwe-bes mula alas-4:30 ng hapon hanggang alas-6:30 ng gabi.

Show comments