Tingnan natin kung hanggang saan ang ibubuga
April 29, 2006 | 12:00am
Nagharap sa kauna-unahang pagkakataon sina Manny Pacquiao at Oscar Larios ng Mexico sa paglulunsad ng kani-lang July 10 na laban sa Araneta Coliseum na tinaguriang Mano-A-Mano.
Sa una, may bahid ng yabang ang pananalita ni Manny Pacquiao.
"Tignan natin kung hanggang saan ang ibubuga nito," ani Pac-quiao sa press conference na ginanap sa Studio 10 ng ABS-CBN na siyang hahawak ng TV coverage ng laban.
Ngunit matapos mari-nig ang manager ni Larios na si Rafael Mendoza na nagsabing mas malakas pa ang kanyang alaga kaysa kina Antonio Barrera at Eric Morales na parehong tinalo na ni Pacquiao, naging mai-ngat ang Peoples cham-pion sa kanyang pana-nalita.
"Kinakabahan na ako a," pabirong sabi ni Pac-quiao na nakatakdang magtungo sa Los Angeles sa May 13 upang simulan ang masusing ensayo bago magbalik sa bansa sa June 12 para ipagpa-tuloy ang pagsasanay.
Kumpiyansa si Larios na kaya niyang sabayan si Pacquiao sa likod ng malalaking tagumpay ng Pinoy Boxing hero.
"Nobody has confi-dence in me but I have confidence in my self," ani Larios sa Mexican lan-guage na isinalin sa Ingles ni Mendoza. "Im really thankfull to Manny for giving me the chance to fight him."
Hawak ng 27-gulang na si Pacquiao ang 41-3-2 win-loss draw record kabilang ang 33 knock-outs habang ipinagma-malaki naman ng 29-gulang na si Larios ang 56 wins kabilang ang 36 KOs bukod pa sa 4-loss at 1-draw.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am