^

PSN Palaro

Sayang!

SPORTS - Dina Marie Villena -
Walang De La Salle University sa pagpasok ng 69th Season ng UAAP.

Binigyan ang DLSU ng one season na pagkakasuspindi at hindi lamang sa basketball kundi maging sa iba pang sports na nasa kalendaryo ng UAAP.

Sayang naman, wala ngayong kalaban na mortal ang Ateneo lalo sa basketball event. Pero okay lang daw yun sabi ng marami dahil nagkasala sila kaya dapat na pagdusahan.

Oo nga naman.
* * *
Umarangkada na ang V-League na ipiniprisinta ng Shakey’s sa Blue Eagles Gym.

Marami ang naghihinayang at wala ngayon ang UST na siya namang mahigpit na karibal ng DLSU sa ligang ito.

Hindi rin naglalaro ang pinakasikat na player ng V-League na si Michelle Carolino.

Gayunpaman, okay lang dahil tiyak na may bagong sisikat at mamahaling players ang mga manonood.

Medyo nagrereklamo nga lang ang iba dahil medyo may kalayuan lang puntahan.

Huwag kayong mag-alala at isang elimination round lang doon ang V-League dahil babalik din sila sa Rizal Memorial Coliseum.

Di ba Ms. Rhea?

Pero habang hinihintay nyo ang pagbabalik sa Rizal, panoorin nyo ito sa telebisyon sa ABC-5.

Ito ay tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado mula alas-4:40 ng hapon hanggang alas-6:30 ng gabi.
* * *
Nakikiramay kami sa aming kasamahang si Abac Cordero ng Phil. Star sa pagyao ng kanyang butihing ina na si Mrs. Teresita Sta. Maria Cordero ng Sta. Cruz, Laguna.

Sumakabilang buhay noong Linggo ang kanyang ina dahil sa pancreatic cancer. Naiwan niya ang kanyang asawang si Peping mga anak na sina Vicente, Ma. Alda, Ma. Adela at Enrico at apo na sina Diego Javier at Domino Rio. Ang kanyang labi ay nakahimlay sa Sta. Domingo Church sa Quezon City at ang cremation ay gaganapin sa Huwebes sa Funeraria Paz, Quezon City.

Lubos ang aming pakikiramay.

ABAC CORDERO

BLUE EAGLES GYM

DIEGO JAVIER

DOMINGO CHURCH

DOMINO RIO

FUNERARIA PAZ

MARIA CORDERO

QUEZON CITY

V-LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with