^

PSN Palaro

Maayos ang training ni Pacman

-
Walang nakikitang problema si Freddie Roach sa magiging pagsasanay ni Manny Pacquiao bilang paghahanda sa kanyang laban kontra kay Oscar Larios na itinakda sa Araneta Coliseum sa Hulyo 2.

Si Pacquiao ay kasalukuyan pa ring nagpapahinga at sa susunod na buwan pa ito tuluyang magsisimula sa puspusang pagsasanay sa ilalim ni Roach pero naniniwala ang American trainer na hindi niya kakikitaan na mahihirapan si Pacman sa gagawing training.

"He’s taking care of himself a lot better now and running a lot. He’s working on conditioning right now and he’s getting in shape so that when we’re together, we’ll get right at it," wika ni Roach sa panayam ng isang boxing website.

Sa Mayo 3 nakatakdang lumipad si Pacquiao sa US upang magdaos ng press conference sa laban nila ni Larios at matapos ito ay simula na ng ensayo sa Wild Card Gym sa loob ng buwang iyon.

Matapos ito ay lilipad ang dalawa pabalik ng Pilipinas at ipagpapatuloy ang pagsasanay sa Baguio City.

Kailangang magsanay nang husto si Pacman dahil sa harap ng kanyang mga kababayan siya lalaban bukod pa sa pagtaya ng kanyang suot na WBC International Super featherweight title laban kay Larios.

Hindi biro na kalaban si Larios wika ni Roach pero maihahanda niya nang husto si Pacquiao sa lahat ng klaseng estilo na maaaring ipakita ng Mexican boxer.

"I think he’ll try to change his strategy to get us off a little bit. I don’t think he will come to us because Manny is the bigger puncher. But we’ll be ready for whatever he brings," ani Roach. (LMC)

ARANETA COLISEUM

BAGUIO CITY

FREDDIE ROACH

INTERNATIONAL SUPER

LARIOS

OSCAR LARIOS

PACMAN

PACQUIAO

SA MAYO

SI PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with