Pinigilan ng Jewels ang pagbabanta ng Port Masters sa huling tatlong minuto ng labanan upang kubrahin ang kanilang ikaanim na panalo kontra sa kanilang isang talo na nagpatatag sa kanila sa liderato habang sumad-sad naman ang Port Masters sa 2-5 kartada.
Bumandera si Al Ver-gara para sa Montaña sa kanyang tinapos na 16-puntos bukod pa sa dala-wang assist at isang rebound para sa ikala-wang sunod na panalo ng Jewels na nakalapit sa outright semifinals berth na ipagkakaloob sa top-two-teams pagkatapos ng elimination.
Tila wala nang kawala sa Montaña ang panalo matapos hawakan ang 17-puntos na bentahe, 62-45 papasok sa huling 8:09 minuto ng labanan ngunit nagpabaya ang mga bata ni coach Nel Parado.
Nagawang makalapit ng Port Masters sa 60-62 nang kanilang pakawalan ang 15-0 run na kinapa-looban ng tres nina Joseph Yeo at LA Tenorio na siyang simula ng mainit na palitan ng basket.
Sa ikalawang laro, nagtulung-tulong sina Jojo Tangkay, Marvin Ortiguera at Samigue Eman, sa ikaapat na quarter upang ilayo ang Rain or Shine at igupo ang Magnolia Ice Cream, 63-52.(CVOchoa)