Ito ay manalo sa anumang paraan.
Bagamat hindi pa nila inihahayag ang kanilang mga guest players, kap-wa sumailalim ang Lady Eagles at Lady Tams sa masusing build-up sa off-season at handa na silang magpakitang gilas sa event na ito na magsisi-mula bukas sa Blue Eagle Gym.
Maghaharap ang Philippine Christian U at Adamson sa alas-4:00 ng hapon pagkatapos ng alas-3:00 ng hapong opening rites habang haharap naman ang Ateneo sa University of the East sa alas-6:00 ng gabi.
Ang lahat ng walong teams na sasabak sa event na hatid ng Shakeys Pizza at inor-ganisa ng Sports Visions Management Group, Inc. (SVGMI) sa ikatlong sunod na taon ay pina-yagang gumamit ng dalawang guest players, local o foreigner.
Niremedyuhan ng FEU ang speed, agility at defense sa pagkawala ng top spiker na si Mae Rovira na nagtapos na habang pinalakas naman ng Ateneo ang kanilang frontline at mayroon na silang karanasan mula sa kanilang kampanya noong nakaraang taon.
"Were smaller than the other teams but well make it up with our speed and agility, this is a fighting team," ani FEU coach Kit Santos, na nagmando sa Morayta-based school sa Uni-Games title noong nakaraang taon.
Sinabi naman ni Ate-neo mentor Louie Ge-puela na, "I havent seen the opponent but as far as my team is con-cerned, weve got a fighting chance because my players have now expe-rienced playing here."
Sasandal ang FEU kina skipper Mary Anne Manalo, Wendy Ann Semana, Lorelyn Astorga, Rachel Ann Dacquis, Josephin Cafranca at libero Victoria Alemania sa kanilang hangaring magtagumpay sa tourna-ment na ito na suportado ng Mikasa at Accel..
Aasa naman ang Ateneo sa power hitting na sina Patricia Taganas at Charo Soriano, Steph Veluz, Alex Pijuan, Apple del Puerto at bagong libero na si Steph Gabriel na pumalit sa sikat at petite na si Charly Tan.
Ang mga laro ay tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado sa alas-4:00 ng hapon at alas-6:00 ng gabi at ipapalabas ng ABC-5 ang mga piling laro tuwing Lunes, Martes at Huwebes mula alas-4:30 hanggang alas-6:30 ng gabi.