Mainit at matinding aksiyon masasaksihan
April 20, 2006 | 12:00am
Asahan ang isa na namang matinding aksiyon ngayon sa 2006 PBL Unity Cup sa pagsasagupa ng Granny Goose Tortillos at Toyota Otis sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Olivarez Sports Center sa Parañaque City.
Tampok na laro ang engkwentro ng Snackmasters at ng Toyota Sparks sa alas-4:00 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng bagitong Teletech at ng Hapee-Toothpaste sa alas-2:00 ng hapon.
Bagamat mas maganda ang katayuan ng Toyota Otis na may 4-2 win-loss record kumpara sa Granny Goose na may 3-3 kartada, mas pinapaborang manalo ang Snackmasters na kagagaling lamang sa 62-61 pamamayani laban sa bigating Rain Or Shine.
Galing naman ang Toyota sa 77-81 pagkatalo laban sa Magnolia.
Kasalo ng Toyota sa 4-2 kartada ang Rain or Shine sa likod ng nangungunang Montaña na may 5-1 record.
Hangad naman ng Titans na makabangon mula sa tatlong sunod na talo upang bahagyang maiangat ang kulelat na 1-5 record sa likod ng 2-4 kartada ng Hapee-PCU na katabla ang Harbour Center. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended