^

PSN Palaro

RP jins lalahok sa Asian tourney

-
Sisimulan ng Petron national taekwondo team ang kanilang international campaign sa pamamagitan ng paglahok sa 17th Asian Taekwondo Championships na nakatakda sa Bangkok, Thailand sa Abril 19-24.

Ang mga Pinoy na overall champion sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games na ginanap sa Manila noong nakaraang taon, ang mga paborito sa prestihiyosong torneong ito.

Ibinunyag ni Philippine Taekwondo Association president Robert N. Aventejado na may 35-bansa kabilang ang Korea, Chinese Taipei, Japan at Iran, ang lalahok.

"It’s going to be a tough outing for our team but I’m confident that our well-trained jins will be able to do well," pahayag ni Aventejado.

"Labing-dalawang atleta sa pangunguna ng 23rd SEAG gold winners na si John Paul Lizardo, Tshomlee Go, Mary Antoinette Rivero at Kathleen Eunice Alora ang bumubuo ng national team.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Manuel Rivero Jr., Alexander Briones, Juan Ricardo Miguel Bernardino, Dax Alberto Morfe, Loraine Lorelie Catalan, Kirstie Elaine Alora, Gerrielyn Aranzanso at Maria Criselda Roxas.

Ang mga opisyal ay sina Stephen Fernandez, head coach; Jesus Morales III, men’s coach; Roberto Cruz at Raul Samson, women’s coach habang kasama sa delegasyon ang international referees na sina Mario Frigillana at Angelito Ong.

Ayon kay PTA vice president Sung Chon Hong, ang partisipasyon ng RP jins sa torneong ito ay preparasyon para sa Asian Games sa Doha, Qatar sa December 11-24.

ALEXANDER BRIONES

ANGELITO ONG

ASIAN GAMES

ASIAN TAEKWONDO CHAMPIONSHIPS

AVENTEJADO

CHINESE TAIPEI

DAX ALBERTO MORFE

GERRIELYN ARANZANSO

JESUS MORALES

JOHN PAUL LIZARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with