Alaska nabuhayan
April 17, 2006 | 12:00am
Nagkabuhay ang kampanya ng Alaska Aces sa kasalukuyang PBA Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup matapos ang 83-82 panalo laban sa Red Bull sa pagpapatuloy ng eliminations matapos ang pagbibigay daan sa Semana Santa, sa araw ng Pasko ng Pagkabuhay.
Bumangon ang Alaska mula sa eight-point deficit sa pamamagitan ng 12-3 run na tinuldukan ni Reynell Hugnatan ng kanyang dalawang freethrows mula sa foul ni Enrico Villanueva patungo sa huling 10.5 segundo ng labanan upang iselyo ang kanilang tagumpay.
Ngunit ang gabi ay para kay Nic Belasco na tumapos ng 24-puntos upang makabangon ang Aces sa tatlong sunod na talo at umangat sa 4-5 win -loss slate. Sumuporta naman sina Joachim Thoss at Mike Cortez ng 13 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.
Nasayang naman ang 22-puntos ni Lordy Tugade matapos malasap ng Red Bull ang ikaapat na sunod na talo na siyang dahilan ng pagbagsak ng Bulls sa 3-6 kartada.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Talk N Text (3-4) at Air21 (3-5). (Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended