Matapos isuko ang titulo sa division sa OPBF, pupuntiryahin naman ng tubong Mandaue City ang bakanteng OPBF 135-pound division kontra sa isang Thailander.
Makakalaban ng kasalukuyang number 10 sa World Boxing Council ratings na si Suico si Pong-petch Chuwatana na ang laban ay itinakda sa Mayo 27 sa Cebu City.
Nabakante ang nasabing titulo nang iwanan ito ni Chikashi Inada ng Japan upang makaharap si Sirimongkol Singmanassak Singwangcha sa Los Angeles sa Mayo 20 para sa WBC Interim Lightweight title.
Mayroong ipinagmamalaking 24 panalo sa 26 laban ang 26-anyos na kilala rin sa taguring Komong Bato kasama ang 21 KO.
Sa una nga niyang laban sa taong ito laban kay Ryuhei Sugita sa Japan nitong Pebrero 5 ay nangi-babaw siya gamit ang fourth round TKO at maka-bawi matapos lumasap ng pangalawang talo sa kamay ni Javier Jauregui na ginawa sa US.
Kung papalarin si Suico ay masasama bilang undercard sa laban ni Manny Pacquiao at Oscar Larios na gagawin 35 araw matapos ang nasabing labang ito sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.
Isang Mexicano ang sinasabing kanyang makakatunggali na kung kanyang maipapanalo ay magbu-bukas ng daan upang lalo siyang makilala at posibleng mapalaban sa lehitimong titulo. (LMConstantino)