Liderato nais tikman ng Rain or Shine
April 11, 2006 | 12:00am
Matapos ang Mon-taña Pawnshop, ang nagdedepensang Rain or Shine naman ang susu-bok na tumikim ng lide-rato.
Makikipagtagpo ang Elasto Painters sa Granny Goose Snackmasters ngayong alas-4 ng hapon makaraan ang banggaan ng Harbour Centre Port-masters at bagitong Tele-Tech Titans sa alas-2 sa eliminasyon ng 2006 PBL Unity Cup sa Malate, Manila.
Magkakasalo sa una-han ang Rain or Shine, Montaña at Toyota Otis mula sa kanilang 4-1 rekord kasunod ang Granny Goose (2-3), Hapee-PCU (2-3), Mag-nolia (2-3), Harbour Centre (1-4) at TeleTech (1-4).
Nanggaling ang Elas-to Painters sa 71-65 pag-gupo sa Titans noong Sabado, samantalang nagmula naman ang Snackmasters sa 81-84 overtime loss sa Port-masters noong Linggo.
"All the teams are strong now and Granny Goose is a dangerous team because it has a complete weapon," wika ni coach Leo Austria sa tropa ni mentor Robert Sison, naghatid sa Mon-taña sa korona noong 2004 PBL Unity Cup.
Muling aasahan ng Rain or Shine si Jojo Tangkay, kumolekta ng 17 puntos sa kanilang panalo sa TeleTech ni Jerry Codiñera, katuwang sina Jay-R Reyes, Marvin Ortiguerra, Ronjay Enrile at 6-foot-10 Samigue Eman katapat sina JR Quiñahan, Toti Almeda, Marvin Cruz, Jett Latonio at Abby Santos ng Ganny Goose.
"Im satisfied with what Tangkay showed the last time out, he was almost everywhere," pa-puri ni Austria sa dating Sta. Lucia Realtor na si Tangkay. "Its a sign of being a good player."
Hangad naman ng Harbour Centre na masundan ang kanilang 84-81 overtime win sa Granny Goose sa kani-lang pakikipagtipan sa TeleTech. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended