^

PSN Palaro

KID KAMPO

GAME NA! - Bill Velasco -
 Ngayong tag-init, natitigilan ang maraming magulang sa gastos. Dahil walang pasok, nasa bahay ang mga bata, at halos walang ginawa kundi kumain.

Liban dito, nangungulit pa dahil walang magawa. Kaya naghahanap ng mga summer sports camp ang mga magulang, para may pagbubuhusan ng kakulitan ang mga anak. May ilang dapat pag-isipan bago isalpak ang anak sa kung anu-anong mga summer camp. 

Una, sino ang mga nagtuturo? May pangalan ba sila, at ano ang natamo nila sa kanilang sport?

Pangalawa, ang nakapangalan bang atleta o coach ang mismong nagtuturo, o nagpapakita lamang sa umpisa’t katapusan ng kanyang camp?

Alalahanin ding hindi lahat ng magaling na atleta ay magaling din magturo. Napakarami na nating natunghayang player na pumapalpak bilang coach dahil hindi nila alam kung paano ipaliwanag ang nalalaman nila. At kung minsan, nasisira ang pagtingala ng mga bata sa kanilang mga iniidolo dahil sa mga clinic.

Pangatlo, magkano ba ang singil? Kung ang isang buwang clinic (12 session) ay lumalagpas ng P3,000 hanggang P4,000, may kamahalan ito.

Karaniwang binibigyan ng t-shirt, certificate, inumin, at ilang souvenir ang mga batang sumasali. Ilan ba ang mga kasali sa clinic? Minsan, inayawan ng dalawa kong anak ang isang sikat na basketball camp, dahil 400 ang mga kasabay nilang estudyante.

Kung tutuusin, kailangang iilan lamang ang participant para sa bawat coach. Kung sobra sa sampu ang hawak na bata ng isang nagtuturo, mahihirapan siyang bigyan ng pansin ang pangangailangan ng bawat bata. At hindi lahat ng bata, makakalaro ng mabuti.

Mabibitin lang sila. Kasunod, ano ba ang patakaran nila sa kaligtasan ng mga bata? Mapapansin ninyo kung sapat ang wam-up, at kung iniingatan nilang di masaktan ang mga bata. May first aid ba na nakahanda, kung sakali?

Ipinagdidiinan ba nila ang wastong damit at sapatos, o basta makalaro lang? Sa mga sport kung saan pinagpapawisan ang mga bata, madalas ba itong pinapainom ng tubig o mga sports drink?

Dehydration ang isa sa mga malalaking problema dito sa Pilipinas. Pati mga professional athlete natin ay nagdurusa rito. Isa sa pinakamahalaga: ano ang asal ng mga coach?

Sinisigawan ba nila ang mga bata, o pasensyoso ba silang nagpapaliwanag? Nagmumura ba sila’t pinaparusahan ang mga kalahok sa clinic?

Marunong ba silang humawak ng maselan na bata, o brusko kung magturo? Baka mas makasira pa sa pagnanasa ng bata na maglaro kung masama ang ugali ng mga coach. 

Mainam din na bantayan ang mga unang klase ng mga bata, para mamanmanan ang lahat ng nangyayari.

Mabuti na ang mag-ingat, kaysa magkaroon ng trauma ang inyong alagang bata.

ALALAHANIN

BATA

DAHIL

ILAN

IPINAGDIDIINAN

ISA

KARANIWANG

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with