^

PSN Palaro

V-League sasambulat na uli

SPORTS - Dina Marie Villena -
Laging natataon na kapag may email sa akin ang mga fans about V-League, kasunod nito ang magandang sagot. Well bakit kanyo? Kasi halos last Saturday lamang nang makatanggap ako ng email asking some info about V-League. Kaya heto ang sagot ko sa mga fans.

Sa April 22, magsisimula na ang pinakahihintay na V-League. Ito ay gaganapin sa Rizal Memorial Coliseum at sa Ninoy Aquino Stadium, tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. At hindi lang po anim na teams ngayon ang kasali kundi walo na. O di ba, palaki na nang palaki ang V-League.

At tiyak na maraming manonood din ang matutuwa dahil mapapanood na ito from 4 to 6 pm pero, suspense muna kung saan channel.

For sure, mas maganda at mas kapapanabikan ngayon ang liga dahil nga walong teams na ng mga naggagandahan at mahuhusay na kababaihang volleyball players ang mapapanood.

Well, wait na lang tayo kung sinu-sino ang mga teams na kasali ngayon.

O ayan my dear Mayette Delgado, siguro masaya ka na ngayon at ang pinakahihintay mong liga ay malapit nang sumambulat.
* * *
Panawagan ng Milo Best Center: hanggang ngayon na lamang daw ang enrollment para sa summer program nila para sa araw ng Martes at Linggo sa Xavier School at Nestle Alabang.

Ang klase sa Level 1 sa lahat ng edad ay nakatakda sa Xavier mula ala-una hanggang alas-4 ng hapon habang ang Level 2 sessions naman (9-11 yrs. old) para sa 1, 2, 3, at 4 sa Nestle Alabang ay sa hapon din gaganapin.

So ano pang hinihintay n’yo go na kayo kung malapit kayo sa mga lugar na ito.
* * *
Sus grabe naman ang presyo ng ticket para sa laban ni Manny Pacquiao at Oscar Larios na gaganapin sa Araneta Coliseum. Ultimong general admission ay hindi kaya ng masa. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon eh isang sakong bigas na ang mabibili mo sa presyo ng general admission. Eh di ibili ko na lang ng bigas kaysa ibili ito ng ticket. Mabubusog pa ang pamilya ko.

ARANETA COLISEUM

MAYETTE DELGADO

MILO BEST CENTER

NESTLE ALABANG

NINOY AQUINO STADIUM

OSCAR LARIOS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

V-LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with