^

PSN Palaro

Rain or Shine at Montaña maghihiwalay ng landas

-
Magkukrus ngayon ang landas ng mga league leading teams na defending champion Rain or Shine at Montaña Pawnshop para paglabanan ang ikaapat na sunod na panalo at karapatang masolo ang pangkalahatang pamumuno sa pagpapatuloy ng 2006 PBL Unity Cup sa FEU Gym sa Morayta, Manila.

Siguradong magiging mainit ang sagupaan ng Elasto Painters at ng Jewels sa pambungad na laro sa alas-2:00 ng hapon na susundan ng engkwentro ng Toyota-Otis Sparks at ng bagitong TeleTech sa alas-4:00 ng hapon.

Inaasahang gagamitin ng Rain or Shine ang kanilang epektibong frontline combination nina 6-foot-10 Samigue Eman, 6-foot-7 JR Reyes at ang pares nina 6-foot-5 Marvin Ortiguerra at Jun Cabatu.

Gayunpaman ay tatapatan ito ng Davao-based Jewels na sasandal sa kanilang backcourt combo na sina Froilan Baguion, Al Vergara at Alex Compton.

Hangad naman ng bagong saltang TeleTech Titans na masundan ang kailang kauna-unahang panalo sa liga laban sa Granny Goose Tortillos, 78-69 matapos matalo sa unang dalawang asignatura.

Hangad naman ni Toyota Otis coach Louie Alas na masundan ang kapana-panabik na 76-74 panalo laban sa Harbour Centre noong Sabado bagamat hindi nasiyahan si coach Louie Alas sa inilaro ng kanyang mga players. (Carmela V. Ochoa)

AL VERGARA

ALEX COMPTON

CARMELA V

ELASTO PAINTERS

FROILAN BAGUION

GRANNY GOOSE TORTILLOS

HANGAD

HARBOUR CENTRE

JUN CABATU

LOUIE ALAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with