White Whales trinangkuhan ng magkapatid na Ilustre
April 4, 2006 | 12:00am
Namayagpag ang magkapatid na Ingrid at Bianca Ilustre upang pamunuan ang pananalasa ng Dapitan Swimming Club ng Sampaloc na komopo ng 11-gold medals sa unang araw ng kompetisyon upang kunin ang overall leadership matapos ang unang araw ng kompetisyon ng 5th Manila Youth Games (MYG).
Humakot si Ingrid sa paglangoy ng apat na golds habang nagsubi naman si Bianca ng dalawa bago nagbigay ng kontribusyon ang magkapatid sa relay team para sa pamamayagpag ng White Whales tankers ng Dapitan sa Rizal Memorial Sports Complex swimming center sa Vito Cruz.
Pinangunahan ni Ingrid ang 200m individual medley, 200m free style at 50m breaststroke sa 10-under girls division habang namayagpag naman si Bianca sa 200m free style at 100m breaststroke ng 11-12 girls division bago sila nakipagtulungan kina 15-year-old Shawn Arquiza at 12-year-old Jodie de Leon para makopo ang 200m medley relay sa 9-and-over girls division.
"We are very honored and thankful to First Gentleman Mike Arroyo for sharing his precious time in gracing the MY Games Opening," ani MASCO chief Arnold "Ali" Atienza.
Nakasunod sa Dapitan Swimming Club ang Jose Abad Santos Elementary School na komopo ng siyam na ginto na nanggaling lahat sa gymnastics kung saan nagbida si Dezerie Saldana na komopo ng apat na gold mula sa Level 2 advance floor exercise, horse vault, balance beam at Individual all around kasunod ang defending overall champion na Manila Hawks na may walong ginto.
Namayagpag din si Ma. Christina Onofre na naka-gold sa balance beam, floor exercise, horse vault at individual all-around, lahat sa level 2 ng 12-under girls para sa Antonio Herrera Elem. School na nagsubi ng anim na golds. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended