^

PSN Palaro

Solo liderato puntirya ng Rain or Shine

-
Pagkakataon na ngayon ng defending champion Rain or Shine na matikman ang solong liderato sa pagpapatuloy ng eliminations ng 2006 PBL Unity Cup.

Kailangang malampasan ng Elasto Painters ang hamon ng Hapee-PCU sa alas-2:00 ng hapong sagupaan sa San Andres Gym sa Malate upang makakalas sa pakikisosyo sa pamumuno sa walang larong Montaña Pawnshop.

Magkasalo sa liderato ang Rain or Shine at ang Jewels bunga ng kanilang magkatulad na 2-0 win-loss slate.

Sa ikalawang laro, maghaharap naman ang Harbour Centre at ang Toyota Otis sa alas-4:00 ng hapon.

Nagparamdam na ng lakas ang bagong discover na si Samigue Eman sa 73-67 pamamayani ng Rain or Shine laban sa Toyota-Otis kamakalawa.

Makaraang tumapos ng walong puntos, tigatlong assists at rebounds at isang steal sa kanyang debut game ay inaasahang may ilalabas pa si Eman.

Kabilang naman ang Toyota Sparks at Hapee PCU sa four-way-tie sa 1-1 record na kinabibilangan ng mga pahinga ngayong Magnolia Ice Cream at Granny Goose Tortillos.

Samantala, napili naman si Kenneth Bono ng Montaña Pawnshop bilang Player of the Week ng PBL Press Corps dahil sa mahalagang papel na ginampanan nito sa dalawang sunod na panalo ng Jewels. (CVOchoa)

ELASTO PAINTERS

GRANNY GOOSE TORTILLOS

HAPEE

HARBOUR CENTRE

KENNETH BONO

MAGNOLIA ICE CREAM

MONTA

PLAYER OF THE WEEK

PRESS CORPS

SAMIGUE EMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with