^

PSN Palaro

SWU belles sibak, di kasama sa Boracay

-
Nawala sa eksena ang three-time defending champion South Western University (SWU) nang sibakin ito ng University of Southern Philippines (USP) na kasama sa apat na women’s team na makakasama sa Boracay para sa Nestea Beach Volleyball finals, sa pagtatapos ng Visayas qualifying leg sa La Salle Green Hills sand court kahapon.

Sinilat ng tambalang Marissa Lagancia at Ellen Pongase ng USP ang South Western pair nina Marites Natad at rookie Hazel Pinero, 25-15 na naglulok sa kanila sa semifinal round ng women’s event.

Matapos ang panalo sa SWU, sinundan nina Lagancia at Pongase ang kanilang panalo ng pagsibak sa Foundation University tandem nina Lowella Manos at Rea Olis, 25-23 para sa ikatlong panalo sa apat na laro na sumiguro sa kanila ng ticket patungong Boracay sa Mayo 4-6 kung saan titipunin ang top-four men at women teams ng Luzon, Visayas at Mindanao qualifying kung saan nakataya ang P100,000 champion purse.

Sa men’s division, balik uli sa finals ang two-time titlists University of San Jose-Recoletos matapos nilang kubrahin ang ikatlong sunod na panalo sa paggupo sa University of Negros Occidental-Recoletos, 25-18.Pumasok din sa top-four ang University of San Carlos (3-1) at University of Negros Occidental-Recoletos (3-1).

Nakatakda ngayon ang one-day qualifying ng Mindanao division. (Carmela V. Ochoa)

BORACAY

CARMELA V

ELLEN PONGASE

FOUNDATION UNIVERSITY

HAZEL PINERO

LA SALLE GREEN HILLS

LOWELLA MANOS

MARISSA LAGANCIA

MARITES NATAD

UNIVERSITY OF NEGROS OCCIDENTAL-RECOLETOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with