Magandang simula para sa Rain or Shine
March 27, 2006 | 12:00am
Hindi pa rin matatawaran ang puso ng isang kampeon.
Pinatunayan ito ng nagdedepensang Rain or Shine makaraang igupo ang Harbour Centre mula sa 70-64 tagumpay, tampok ang 16 puntos, 9 boards at 4 assists ni Marvin Ortiguerra, sa 2006 PBL Unity Cup kahapon sa La Salle-Greenhills Gym sa San Juan.
"First game pa lang ito, kaya hindi ko pa masabi kung ano ang chances naming maidepensa ang championship namin," wika ni coach Leo Austria sa Elasto Painters na naglista ng 11-point advantage, 21-10, sa first period bago maiwanan sa second quarter, 37-33.
Sa inisyal na laro, iginupo naman ng Toyota Otis-Letran ang Hapee-PCU, 77-73, sa pamumuno ni Joe Devance na humugot ng 22 marka, 11 rebounds, 1 assist at 1 steal.
Kapwa may magkakaparehong 1-0 kartada ngayon ang Rain or Shine, Toyota Otis, Granny Goose at Montaña.
Kasama ngayon ng Hapee-PCU at Harbour Centre sa ibaba mula sa 0-1 baraha ang Magnolia at bagitong TeleTech. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended