^

PSN Palaro

5 venues gagamitin sa MY Games

-
Limang venues ang siyang gagamitin para sa pagdaraos ng 5th Manila Youth Games na nakatakda sa Abril 2-7 sa San Andres Sports and Civic Center sa Malate, Manila.

 Ang mga ito, bukod sa San Andres, ayon kay Manila Sports Council (MASCO) chairman Ali Atienza, ay ang Del Pan Sports Complex sa San Nicolas, ang Dapitan Sports Complex sa Sampaloc, ang Patricia Sports Complex sa Hermosa at ang Tondo Sports Complex sa Sto. Niño.

 Ang naturang mga venues ay kaagad na ipinaayos ng MASCO sa kaagahan pa lamang ng taong ito para sa pagdaraos ng 5th MY Games.

 Inaasahan ni Atienza na aabot sa 10,000 ang mga atletang lalahok mula sa 897 barangays at 130 public at private schools sa naturang week-long sports meet.

 Ang mga mapipiling gold medalists sa nasabing sports event ang siyang awtoma-tikong ibibilang sa tropang isasabak sa ikalawang Manila Invitational Championships na itatakda sa Oktubre, dagdag ni Atienza.

Sa 1st Manila Invitational noong nakaraang taon, humakot ang host Manila ng kabuuang 97 gintong medalya upang angkinin ang overall title.

 Ang mga sports events na paglalabanan sa fifth edition ng MY Games ay ang athletics, badminton, baseball, chess, football, gymnastics, softball, swimming, table tennis, lawn tennis, taekwondo, volleyball at paralympics. (Russell Cadayona)

ALI ATIENZA

ATIENZA

DAPITAN SPORTS COMPLEX

DEL PAN SPORTS COMPLEX

MANILA INVITATIONAL

MANILA INVITATIONAL CHAMPIONSHIPS

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH GAMES

PATRICIA SPORTS COMPLEX

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with