Gayunpaman ay nananatiling matatag ang koponan.
Sinabi ni interim coach Reonel Parado na bagamat hindi singla-kas ng dating koponan, palaban pa rin ang Jewels sa nalalapit na 2006 PBL Unity Cup na magsisi-mula bukas sa San Andres gym sa Malate.
"Were not as strong as before but were competitive. Andyan pa rin ang character ng mga bata," ani Parado na sasandal sa mga mas batang players gaya nina Francis Mercado at shooter Ariel Capus.
Kumbinsido rin sina team own-ers Armando at Conchita Quibod na ang mga bagong mukha sa koponan gaya nina 6-foot-7 Laurence Bonus, 6-foot-5 Ronald Lamoncha at Allan Evangelista -- ay may mahalagang papel sa kanilang kampanya para sa ikalawang sunod na titulo.
Sa likod ng paglipat nina Mercado at Capus, nasisiyahan si team manager Jun Abraham sa sistema ni Parado.
Nakakadismayang sixth place finish ang tinapos ng Montaña sa nakaraang kumperensiya mata-pos makopo ang titulo sa 2004 Open Championship ngunit nag-runner-up ang Jewels sa naka-raang Unity Cup noong nakaraang taon.
Ngunit nakasalalay ang lahat sa magiging performance ni Alex Compton na naging haligi ng koponan. Bagamat may injury pa rin si Compton, siya pa rin ang tututukan sa pakikipagharap ng Montaña sa bagitong TeleTech sa opening.
Inaasahang aangat na ngayon si Reed Juntilla na laging nasa likuran noon ni Compton at kung tutulong sina 6-foot-6 Alwin Espiritu, 6-foot-6 Karl Kenneth Bono, 6-foot-5 Al Magpayo at 6-foot-4 Paul Guerrero ay malayo ang mararating ng Jewels.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina shooter Eric dela Cuesta at ang mga kapana-panabik na sina Froilan Baguion, Al Vergara at Art Atablanco. (CVOchoa)