Ito ay matapos ma-naig ang mens defending champion Blazers at Lady Blazers sa kani-kanilang karibal para ibulsa ang tig-isang tiket patungo sa National Leg ng 10th Nestea Beach Volley kahapon sa La Salle-Greenhills sa San Juan.
Pinayukod nina Janley Patrona at Rael Pio De Castro ng St. Benilde sina Jerrico Hubalde at John-John Mendoza ng Univer-sity of the Philippines, 25-21, upang umabante sa kanilang ikalawang sunod na biyahe sa National Leg sa Boracay Island na nakatakda sa Mayo 4-6.
"We have to win this game after losing earlier sa St. Francis, kaya tala-gang doble kayod kami ni Rael against UP," wika ni Patrona, nakatuwang si Arnold Laniog sa pag-kopo sa korona noong 2005 laban sa University of San Jose-Recoletos.
Bago igupo ang Fighting Maroons para sa ikaapat at huling semis seat, nabigo muna ang Blazers sa tambalan nina Michael Mauel at Harold Pavia ng St. Francis Doves, 17-25. Umiskor naman ang tambalan nina Faith De Guzman at Janilyn Sarabia ng Lady Blazers ng isang 25-20 panalo kontra sa dalawa-han nina Romalyn Man-zano at Cathlea Villaluz ng PCU Lady Dolphins.
"Hopefully, makaya rin namin ang competition sa National Leg sa Boracay since maraming malala-kas na teams doon," wika ni De Guzman. Bukod sa Blazers, ang iba pang umabante sa mens divi-sion ay ang St. Francis Doves (Mauel at Pavia), Adamson Falcons (Mike Alinsunurin at Sherwin Meneses) at ang FEU (Jessie Lopez at Joshua Alarde).
Nakasabay naman ng Lady Blazers patungo sa Boracay ang Letran (Bangladesh Pantaleon at Madelaine Mirabueno), UST (Mary Jean Balse at Anna Eliza Fulo) at ang University of Baguio (Dennise De Vega at Maricel Oclima).(Russell Cadayona)