De La Hoya darating sa bansa
March 21, 2006 | 12:00am
Kung ang plano ay hindi mababago, uupo sa ringside ang dating five-time world boxing champion na si Oscar De La Hoya sa laban nina Manny Pacquiao at Oscar Larios sa Araneta Coliseum sa June.
Sinabi ni Golden Boy vice president Eric Gomez noong Sabado na si De La Hoya ay nakatakdang bumisita sa bansa ngayong taon o sa susunod na taon, depende sa kalalabasan ng resulta ng kanyang laban kontra Ricardo Mayorga at may plano rin siya para sa isang farewell match sa September.
Si Larios, ang dating World Boxing Council (WBC) superbantamweight champion ay imina-manage ng Golden Boy, na ang may-ari ay mismong si De La Hoya.
"If Oscar does well against Mayorga and hes still not in training for the September bout, I think hell come to Manila for Mannys fight," ani Gomez na nasa Cebu kasama ang Golden Boy International matchmaker na si Sampson Lewkowicz para sa limang araw na pagbisita.
Sina Gomez at Lewkowicz ay lumagda ng kontrata para sa Golden Boy upang i-promote ang mga marquee fighters ng Cebu-based businessman na si Tony Aldeguer na sina Rey Boom Boom Bautista at Z Gorres sa kanilang biyahe.
Ayon kay Gomez, ang malaking tagumpay ni Pacquiao sa Amerika ang nagbukas para sa mga potential na Filipino fighters.
"We give thanks and respect to Manny for putting the Philippines in the map of world boxing again," ani pa ni Gomez.
Sinabi pa ni Gomez na si Bautista ay magpapakita ng aksiyon sa undercard ni Marco Antonio Barrera sa kanyang pagdepensa ng WBC superfeatherweight crown laban kay Rocky Juarez sa Staples Center sa Los Angeles sa May 20.
Si Sampson ang nakadiskubre kay Pacquiao ng siya ay nagtatrabaho pa kay Murad (Muhammad), ayon kay Gomez. "Manny knows him well."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended