Alaskado ang Aces
March 18, 2006 | 12:00am
Biglang-biglay tila nakurta ang Alaska Milk na maganda sana ang naging umpisa sa Gran Matador-PBA Philippine Cup!
Abay marami ang bumilib sa Aces nang paliguan nila ang San Miguel Beer, 103-90 sa kanilang pagtatagpo sa opening day ng torneo noong Marso 5. Katunayan, sa panalong iyon ay nasabi ng karamihan na tama na ang timpla ni coach Tim Cone at maganda ang pagkakakuha nila kay Nic Belasco na gumawa ng 30 puntos kontra sa kanyang dating koponan.
Magugunitang kinuha ng Aces si Belasco at isang future draft pick buhat sa San Miguel kapalit nina Brandon Cablay at rookie Mak Kong. Pagkatapos nitoy ipinamigay nila si Rich Alvarez sa Red Bull kapalit naman ng dalawang first round picks ng Barakos.
Kumbagay si Belasco ang siyang pumuno sa puwesto ni Alvarez at dito pa lang ay makikitang nag-improve kaagad ang line-up ng Alaska Milk.
Upang kumpletuhin ang kanyang roster, kinuha din ni Cone ang mga free agents na sina Eddie Laure na nilaglag ng Purefoods Chunkee Corned beef at ang point guard na si Rensy Barajar na hindi nakapaglaro sa nagdaang Fiesta Conference dahil walang kumuha sa kanya matapos na mag-disband ang Shell Velocity.
So, on paper, matindi pa rin ang line-up ng Alaska Milk dahil nasa poder pa rin nila ang mga tulad nina Jeffrey Cariaso, Mike Cortez, Don Carlos Allado, Joaquim Thoss at Reynell Hugnatan.
Kaya naman sa pagtala ng panalo kontra San Miguel, marami ang nagpalagay na makakabangon ang Alaska Milk buhat sa masamang performance sa Fiestra Conference kung saan winalis sila ng Red Bull Barako sa quarterfinal round, 3-0.
Pero tila napunta sa ulo ng Aces ang initial na panalo nila kontra Beermen. Sa sumunod na laro nila laban sa Coca-Cola, sila naman ang dinurog ng Tigers, 81-69. Ayon sa isang insider, nagpa-easy-easy daw ang Aces dahil sa tinambakan nila ng 30 puntos ang Tigers sa isang tune-up game. Bago ang laro noong Marso 10 ay light practice lang sila noong Marso 9 ng umaga at pagkatapos ay dumalo ang Aces sa kasal ni Bernzon Franco at nag-happy-happy. Kumbagay wala silang focus laban sa Tigers. Kaya sila natalo.
So, kinailangan nilang makabawi. Kinailangan nila ng focus. Kinailangan nila ng motivation.
Iyon ang tiniyak ni Cone sa kanilang sumunod na laro kontra Red Bull Barako noong Miyerkules. Paghihiganti ang kanilang motivation dahil nga sa winalis sila ng Barakos sa quarterfinals ng Fiesta Conference.
Subalit imbes na makapaghiganti sila, lalo silang ibinaon ng Barakos, 99-87 para bumagsak sa 1-2 record. Kitang-kita na nagkakalat ang Aces sa larong iyon. Sa asar nga ni Cone, tatlong full timeouts ang itinawag niya sa second quarter pa lamang. Halos naubusan na nga siya ng timeout dahil nais niyang ipamukha sa kanyang mga manlalaro ang kanilang kamalian.
Kulang na yata sa "fire" ang Alaska Aces, e.
Kung sabagay, umpisa pa lang naman ng Philippine Cup at may 15 laro pang bubunuin ang Aces. Marami pang pagkakataon para makabawi. Nasa kanila naman ang materyales.
Pero sa basketball, hindi pwedeng lakas lang ng line-up ang maging sukatan ng tagumpay.
Higit diyan ang kailangan ng Aces.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest