Talk N Text vs Purefoods tiyak na dadagsain sa Hong Kong
March 18, 2006 | 12:00am
Siguradong masisiyahan ang libu-libong Overseas Filipino Workers sa Hong Kong sa pagdaraos ng sagupaan ng Talk N Text at Purefoods bukas.
Dahil ngayon pa lamang magkakaroon ng PBA Game sa Hong Kong, sold-out na ang tickets para sa larong nakatakda sa Queen Elizabeth Stadium na bahagi ng Gran Matador Brandy Philippine Cup.
Ito ang ikalawang out-of-the-country game ng PBA na unang dumalaw sa Jakarta, Indonesia noong nakaraang taon sa classification round ng Fiesta Conference.
Si Talk N Text owner Manny Pangilinan ang utak sa match na ito para sa mga OFW sa HongKong sa tulong ng kanilang Smart Global na sinuportahan naman ng Magic Sing at ng Cebu Pacific bilang official carrier.
Inaasahang makakabangon ang Talk N Text sa kanilang dalawang sunod na kabiguan na nagbaon sa kanila sa ilalim ng team standings kasama ang Sta. Lucia Realty.
Hangad naman ng Purefoods na makabawi mula sa 72-80 pagkatalo laban sa Coca-Cola upang maiangat ang 1-1 record.
Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang naglalaban ang Sta. Lucia at Air21 na susundan naman ng sagupaan ng magkapatid na kumpanyang Ginebra at SMBeer. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended