Para patas ang labanan
March 9, 2006 | 12:00am
Marami ang nagsasabing hindi bagay ang basketbol sa mga Pilipino, dahil hindi naman talaga tayo matatangkad na tao.
At paano naman makakalaban ang ordinaryong tao sa mga talagang mahuhusay na?
Ngayon, may magagamit na kayo para maging patas ang labanan.
May bagong laro ang Level Up Philippines, at ito ay ang Free Style, ang pinakabagong online computer game na parang bagyo ang dating sa ating bansa.
Ang Free Style ay isang MOG o multiplayer online game na nagsimula sa Korea. Ito ay batay sa mga street basketball games na nilalaro sa US.
Pero, ang kaibahan nito ay pwede mong gawing sarili mo ang iyong player. Mula ulo hanggang paa, pwede mong bihisan at bigyan ng mga kakaibang galaw ang iyong player.
Pwedeng maglaro ng one-on-one, two-on-two o three-on-three. Larong kalye talaga.
"Our job was to modify the game to the Filipino culture," paliwanag ni Minette Navarrete, ang siyang namamahala ng Level Up sa Pilipinas.
"We translated the game from the Korean version, and it has been very widely accepted locally, of course, because its basketball."
Sa Free Style, maaaring piliin ang mga katangian ng iyong mga manlalaro at dagdagan ng dagdagan ang mga ito hanggang sa napakahirap na nilang talunin.
At di lamang iyon.
Ang statistics mo ay maitatala sa lahat ng mga naglalaro, kahit saan. "This is the only chance to beat players who are good in real life," dagdag ni Mike Constantino, business unit director para sa Free Style.
"Kung sa tutoong buhay ay hindi mo matatalo ang isang tao, dito, walang hangganan ang magiging husay mo."
Inilunsad ang Free Style noong ikalawa ng Enero, at nagsimula ang unang torneo nito, ang "Dakdakan 2K6" noong Enero 16.
Sa ngayon, mahigit isang milyon na ang naglalaro ng Free Style sa Pilipinas. At simula pa lang iyan.
Dumayo sa www.levelupgames.ph.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended