^

PSN Palaro

Bagong batas at alituntunin ang kailangan

-
Isang bagong Constitution and By-Laws ang inaasahang isusumite ng mga basketball stakeholders sa Philippine Olympic Committee (POC) para sa binubuong unified basketball federation. 

Sinabi kahapon ni PBA Commissioner Noli Eala na maraming mga pag-uusap at debateng nangyayari sa hanay ng naturang grupo, binubuo ng PBA, PBL, UAAP at NCAA, para sa paglalatag ng bagong Constitution and By-Laws ng bagong cage body. 

"May mga concerns and debates on certain provisions, particularly on membership on the different voting powers that are being given to each officers," wika ni Eala. 

Inaasahan ni Eala na mai-susumite nila ngayon sa POC ang bagong draft ng Constitution and By-laws ng unified basketball federation na siyang posibleng ipalit sa sinibak nang Basketball Association of the Philippines (BAP) ni Joey Lina. 

"There is a big debate on the options that we’re taking in order for this to be passed by the Philippine Olympic Committee as well as the FIBA," ani Eala. "It is a work in progress and we’re working very hard to meet the deadline." 

Nagbigay ang FIBA, ang international basketball federation, ng deadline na hanggang Marso 31 para resolbahin ng POC ang isyu sa BAP.

 Isa sa mga opsyon na tinitingnan ng mga basketball stakeholders, ayon kay Eala, ay ang paggamit sa pangalan ng BAP para mapadali ang pag-alis ng FIBA ng suspensyon. 

"We have certain deadline that we’re trying to keep and we’re trying to meet, kaya lahat ng mga stakeholders are really working very hard," sabi ni Eala.(Russell Cadayona)  

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

COMMISSIONER NOLI EALA

CONSTITUTION AND BY

CONSTITUTION AND BY-LAWS

EALA

JOEY LINA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with