Isa na lang para sa Olivarez High School
March 7, 2006 | 12:00am
Kapwa humatak sina Erwin Encela at Marlon Vizcarra ng dobleng pigura upang pangunahan ang Olivarez High School sa 72-64 panalo laban sa Arellano University kahapon sa junior division ng 13th National Capital Region Athletic Association basketball finals.
Nagtapos si Encela ng game-high 20 puntos para sa Olivarez na dominado ang Game 1 ng kanilang best-of-three championship series sa San Andres gym.
Ang panalong ito ang naglapit sa Olivarez College sa korona ng junior division at kailangan na lamang nilang talunin ang Arellano bukas upang koronahan ang kanilang sarili sa bisa ng two-game sweep.
Naging mainit agad si Encela sa unang minuto pa lamang ng first period, nang magpasabog ng apat na puntos para sa 6-0 salvo na naghatid sa Olivarez sa 26-14 pangunguna sa pagtatapos ng nasabing period.
Napalobo pa ng Olivarez ang kanilang kalamangan sa 11 puntos matapos na muling pangunahan ni Encela ang 11-0 bomba sa 61-50 sa huling 9:26 minuto ng labanan.
Tumapos naman si Vizcarra ng 15 puntos bago siya nasaktan matapos na masa-mang bumagsak sa sahig sa pinal na minuto ng labanan.
Sa womens side, nakauna ang Philippine Maritime Institute Lady Admirals sa kanilang sariling best-of-three titular showdown ng Polytechnic University of the Philippines matapos nilang igupo ang Lady Maroons, 77-56.
Samantala, tangka naman ng La Salle-Dasmariñas Patriots na makuha ang ikatlong puwesto sa kanilang pakikipagsagupa sa PUP Maroons sa alas-10:30 ng umaga ngayon sa Arellano Legarda gym.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am