Orcullo hari ng US Bar 8-Ball Championship
March 7, 2006 | 12:00am
RENO, Nevada Sa ikatlong pagkakataon sa nakaraang apat na linggo, itinaas ni RP billiard sensation Dennis Orcullo ang ikatlong championship trophy sa paghahari sa prestihiyosong 2006 US Bar Box 8-Ball Tournament na ginanap dito sa Sands Regency Hotel and Casino.
Matapos pangunahan ang mahirap na International Pool Tour (IPT) Qualification Tournament kung saan sinamsam niya ang IPT Tour card na kailangan upang makalahok sa $8-million 2006 IPT Tour at ang World Bar Tour (8-Ball) Open, tinibag ni Orcullo lahat ng mga nakaharap upang makarating sa finals ng US Bar Box na sinalihan ng mga bigating money-game players ng mundo.
Kinumpleto ng 27-anyos na si Orcullo ang pagdomina sa hanay ng 225 kalahok na kinabilangan din nina Antonio Lining, Ramil Gallego at dating US Open Champion Gabe Owen sa pagtumbok ng 5-1 win laban kay Edwin Montal.
Tungo sa finals, lumutang si Orcullo sa Bracket A kung saan nagtala siya ng impresibong panalo kina Nick Hewko, Steve McAninch, Danny Medina at TJ Davis.
Pinadapa niya si Mark Eberle sa semifinals bago hamunin si Montal sa finals.
"Three victories in four tournaments in the United States proved that Dennis (Orcullo) already rose to stardom," pahayag ng manager ni Orcullo na si Perry Mariano. Ikaapat si Orcullo sa World Bar Tour 9-Ball Championship.
"Once again, hinangaan na naman siya sa US. He wowed the crowd during the IPT qualifying and World Bar Tour in California. Now he already drew big wave in Nevada," dagdag ni Mariano na inihatag ang sariling Bugsys Lair Billiards Bar para sa training ni Orcullo gayundin ng mga pambato ng bansa na sina Ronnie Alcano, Antonio Gabica, Gandy Valle at Roberto Gomez.
"Makakapagpasalamat na naman ako sa lahat ng mga tumulong sa akin for this US stint," lahad ni Orcullo na nagbulsa ng premyong $10,000. "Pag-uwi ko, sila agad ang makakahawak sa lahat ng trophies at plake na nakuha ko rito sa US."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am