Mauresmo vs Petrova sa Qatar finals

DOHA, Qatar--Ginapi ng top-seeded na si Amelie Mauresmo ng France si Martina Hingis, 6-2, 6-2 noong Biyernes upang ipormalisa ang kanilang paghaharap ng second-seeded na si Nadia Petrova ng Russia sa final ng Qatar Open.

"In the final tomorrow, my serve is likely to play a big role," ani Mauresmo. "I and Nadia serve well, so serve will play an impor-tant part. It will be tough match."

Pinatalsik naman ni Petrova si Ai Sugiyama ng Japan, 6-1, 7-6 (2) sa unang semifinals match.

Tinalo ni Mauresmo, nanalo ng tatlong titulo ngayong season, ang Swiss at dating No. 1 at kampeon sa inagurasyon ng tournament na ito noong 2001 sa ikalimang pagkakataon matapos ang kanilang anim na paghaharap.

Dalawang ulit na bina-sag ni Mauresmo, ang Australian Open cham-pion, si Hingis sa first set at apat na beses naman sa second set. Dalawang ulit lamang nasupil ni Hingis ang Frenchwoman sa final set.

Show comments