^

PSN Palaro

Gabi hindi umubra kay Darchinyan

-
Pinangatawan ng nagdedepensang IBF flyweight champion na si Vic Darchinyan ang naunang inihayag na patutulugin ang number three challenger na si Filipino boxer Diosdado "The Prince" Gabi sa ginanap nilang laban kahapon sa Chumash Casino Resort sa Santa Ynez, California.

Isang malakas na kaliwa ang pinaka-walan ni Darchinyan sa ulo ni Gabi dahilan upang mabuwal ang huli na naganap sa ikawalong rounds.

Nagawa man na tumayo ni Gabi ay iba na ang tindig nito dahilan upang itigil na ni referee David Mendoza ang laban at ibigay ng technical knockout win kay Darchinyan sa 2:42 sa orasan.

"Gabi was glassy eyed and his equili-brium was off," pahayag ni Mendoza sa ginawang pagtapos sa laban.

Ito ang ika-25 sunod na panalo ng tubong Sydney Australia na si Darchin-yan at pang 20 KO habang si Gabi ay nalaglag sa ikatlong kabiguan sa 30 laban. Ang kabiguan ay nagwakas sa 12 sunod na pagpapanalo na naitala ng tubong Davao City na boksingero at unang beses niya ito na humalik sa ku-wadradong lona sapul nang nag-pro noong 1999.

Binigyan naman ng papuri ni Dar-chinyan si Gabi sa kanyang ipinakitang tibay nang makaabot siya sa ikawalong rounds gayong unang naniwala ang nagdedepensang kampeon na sa loob ng maagang rounds niya makukuha ng KO.

"I could not believe Gabi took so many punches," wika ni Darchinyan. "I was impressed. He is a really good figh-ter with an impressive jab. I saw he was tough after the first few rounds, so I started to move around more and wait for openings. I gained more power with each round and felt stronger as the fight progressed."

Si Darchinyan ay itinalagang liyamado sa laban at si Gabi ay nagha-hangad sana na maipagpatuloy ang pagpapanalo ng mga Pinoy boxers na lumaban sa US. (LMC)

CHUMASH CASINO RESORT

DARCHINYAN

DAVAO CITY

DAVID MENDOZA

GABI

SANTA YNEZ

SI DARCHINYAN

SYDNEY AUSTRALIA

VIC DARCHINYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with