2 umaatikabong aksiyon sa pagbubukas ng PBA Philippine Cup
March 5, 2006 | 12:00am
Naisakatuparan na ang ilang nakakagulat na palitan ng mga players at ang pagbabago sa coaching staff ng isang koponan.
Sa pagbubukas ng Gran Matador-PBA Philip-pine Cup ngayong araw, madedetermina kung sino sa Air21, Alaska Aces at San Miguel Beer ang nakakuha ng mas ma-gandang trade deal.
Ipaparada ng Aces si 6-foot-6 power forward Nic Belasco at itatampok naman ng Beermen si off-guard Brandon Cablay sa kanilang upakan sa ganap na alas-6:10 ng gabi matapos ang bang-gaan ng Express at Coca-Cola Tigers sa alas-4:10 ng hapon sa Araneta Coliseum.
Nakuha ng Alaska si Belasco matapos dalhin si Cablay sa San Miguel, nahugot rin si 64 forward Wesley Gonzales galing sa Air21 para kay Eugene Tejada.
"As in my whole 15 years in the PBA, I have never predicted what teams will be up there," wika ni coach Tim Cone. "I just tell them that every team has the capability of making it to the next level."
Pinakawalan rin ng Aces si 65 Rich Alvarez sa Red Bull, naghari sa nakaraang PBA Fiesta Cup, upang masambot ang first round picks ng Photokina franchise sa 2006 at 2007 PBA Draft.
Inaasahang itatambal ni mentor Jong Uichico si Cablay kay Olsen Racela na magpapalakas sa backcourt ng Beermen, nabigong makapasok sa semifinals ng PBA Fiesta Cup.
Sa pamamagitan rin ng isang trade, nakuha naman ng Air21 si 66 Mark Telan mula sa Talk N Text bilang kapalit ni 64 power forward John Ferriols.
"Anything less than a Finals stint would be a setback," sabi ni coach Bo Perasol sa Express, kinu-ha ang third place trophy ng PBA Fiesta Cup mata-pos talunin ang Ginebra Gin Kings.
"Hindi na kami kun-tento sa respectable finish ngayon. I am telling the players that we should set a higher goal."
Sa format, ang top two teams makaraan ang double-round robin ang sisikwat ng unang dala-wang automatic semifi-nals berth, samantalang ang No. 3, 4 at 5 teams naman ang papasok sa quarterfinals. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended