^

PSN Palaro

Hindi lang boxing ang alam ni Viloria

-
Hindi nakikita ni WBC light flyweight champion Brian Viloria na matutulad sa ibang boksingero na uugod-ugod na ay luma-aban pa rin sa kuwad-radong lona.

Sa pagharap ni Viloria sa ilang piling mediamen kahapon sa Oakwood Hotel kasama ng kan-yang ama na si Ben, sinabi ng 24 anyos na Fil-American na mabubuhay siya kahit wala na siya sa madugong sport na ito.

"Luckily, I know I have the mind to do other things outside of boxing. This is the reason why other boxers still fight at age 40s because that’s all they can do and they don’t have life after boxing," pahayag ni Viloria.

Nilinaw naman niya na siya ang magdedesisyon kung kailan siya dapat na magretiro ngunit hindi ito sa panahong bagsak na ang kanyang career.

Patungkol naman sa mga plano sa hinaharap ay binigyan diin ng tubong Narvacan, Ilocus Sur ang kahandaan na harapin ang mga boksingerong nais na humamon sa kanyang kakayahan.

Kasama nga rito ay ang Pinoy na si Juanito Rubillar na ang kampo ay nagpadala na ng alok sa manager ni Viloria para idaos ang mandatory title fight sa bansa.

"But all these things will be decided by my manager. I’m willing to fight anybody but that will be the job of my mana-ger," wika nito na ang tinu-tukoy ay si Gary Gittel-sohn na nasa US ngayon

Kahit ang sinasabing paglaban niya sa under-card kay Manny Pacquiao sa Hunyo o Hulyo ay malabo pa rin ayon kay Viloria dahil wala silang konkretong balita hinggil dito.

Ipinagmalaki naman ni Ben na ang kanyang anak ay nabiyayaan ng maba-ngis na kamao pero aminado siyang kinaka-bahan pa rin hindi sa mga laban nito kungdi habang si Brian ay nag-eensayo lamang.

"Ang mga ka-sparring niya ay mas mabigat at mas malaki sa kanya. Isipin ninyo na 5’4 lang siya at may timbang na 108 lbs na lumalabas sa mga 122lbs boxers. Kaya mas nanginginig ako kapag nagsasanay lang siya kaysa sa laban na alam kong katimbang niya," wika pa ng ama ni Viloria.

Magtatagal pa ng hanggang Marso 5 ang nasabing boxer at magi-ging abala sa mga tele-vision guesting.

Sa Marso 6 o 7 ay aakyat naman siya sa Narvacan, Ilocos Sur upang bisitahin ang kan-yang mga kamag-anak.

Si Viloria ay kagaga-ling lamang sa matagum-pay na unang pagdepen-sa sa titulong inagaw kay Erik Ortiz. Bagamat napa-hirapan ni Jose Antonio Aguirre sa huling laban nitong Pebrero 18, ay lumabas pa rin ang ang-king lakas nito nang makuha ang unanimous decision. (LMC)

BRIAN VILORIA

ERIK ORTIZ

GARY GITTEL

ILOCOS SUR

ILOCUS SUR

JOSE ANTONIO AGUIRRE

JUANITO RUBILLAR

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with