Wala pa ring linaw sa basketball
March 1, 2006 | 12:00am
Wala pa ring linaw kung gagamitin ng mga basketball stakeholders ang pangalan ng Basketball Association of the Philippines (BAP) sa kanilang hangaring maalis ang suspensyon ng Pilipinas sa FIBA, ang international basketball federation.
Sinabi kahapon ni PBA Commissioner Noli Eala na hindi hangad ng grupo na maibalik ang BAP sa pag-aaruga ng Philippine Olympic Committee (POC) na siyang sumibak rito noong 2005.
"The discussions are not necessarily meant towards the reinstatement of the BAP," ani Eala. "But we have just been looking at the options based on the principles of reasonable practicality to lift the suspension."
Nananatili pa ring opsyon ng mga basketball stakeholders, kinabibilangan ng PBA, PBL, UAAP at NCAA, ay ang paggamit sa pangalan ng BAP sa hangaring maalis ang suspensyon nito sa FIBA.
"There have been cases presented to the stakeholders that this is the fastest way to do it. There are other cases that have been presented that this is the better way. And one of the options is to simply go through the BAP route, which is to ammend the Constitution of the BAP, re-organize the BAP with the stakeholders already there," ani Eala.
Nagtakda ang FIBA ng deadline sa POC ng hanggang Marso 31 para solusyunan ang nasabing isyu sa BAP.
Isang pulong ang itatakda ni POC Basketball Committee chairman Atty. Ding Tanjuatco ngayong linggo para suriin ang draft ng Constitution and By-Laws na binuo ng mga basketball stakeholders.
"As far as the PBA is concerned, the PBA is not committed to any team. We are simply facilitating this, and we look forward to unifying the stakeholders and lifting the suspension of the Philippines," sabi ni Eala. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended