^

PSN Palaro

UST hari ng women’s judo at men’s badminton

-
Tila palapit na ang University of Santo Tomas (UST) para maging general champion ng UAAP Season 68 matapos ang kanilang tagumpay sa women’s judo at men’s badminton kamakailan lamang.

Gayunpaman, may laban pa rin ang De La Salle University matapos makopo ang titulo sa women’s badminton at women’s’ tennis habang naghari naman ang University of the Philippines sa men’s judo upang manatili sa kontensiyon para sa overall title nang papatapos nang season.

Pinangunahan ni Mary Jean Capawa ang matagumpay na pagdedepensa ng titulo ng UST sa women’s judo sa kanyang pagkopo ng gold sa -48 kgs class habang nanalo rin ng ginto si Michelle de Vera (-78 kgs), Jennifer Ong (-63 kgs) at Camille Hipolito (+78 kgs).

Nagsubi ang UP ng dalawang gold at isang silver medal para sa second, habang ang De La Salle ay bumagsak sa third na may one gold at three silver medals.

Ang UP na host ng judo sa Human Kinetics gym sa Diliman, ay komopo ng tatlong gold medals sa pagdomina ng men’s competition mula sa panalo nina Duke Villanueva (-66 kgs), Alejandro Solis (-81 kgs) at Ryan Paglinawan (-63 kgs) para pabagsakin ang UST Tigers sa second place na may gold, isang silver at dalawang bronze medals.

Naungusan naman ng De La Salle sa women’s tennis ang UST, 3-2 sa Rizal Racket Club sa Pasig City upang palakasin ang tsansa sa overall championship.

Sa men’s badminton, ang UST na walang talo sa anim na laro sa preliminaries ay nakapaglista ng 3-2 panalo laban sa Far Eastern U, 3-2, sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Hindi naman naging matagumpay ang UST, sa women’s badminton matapos yumukod ang Tigresses sa De La Salle Lady Archers sa finals, 4-1.

Naipanalo ng magaan ni two-time MVP Paula Obanana ang singles match at nakipagtambalan kay Raquel Guererro sa first doubles at Therine Chan sa second doubles upang pamunuan ang Lady Archers

ALEJANDRO SOLIS

CAMILLE HIPOLITO

DE LA SALLE

DE LA SALLE LADY ARCHERS

DE LA SALLE UNIVERSITY

DUKE VILLANUEVA

FAR EASTERN U

HUMAN KINETICS

JENNIFER ONG

KGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with