Macapagal pupunan ang binakanteng posisyon ni Jaylo
February 27, 2006 | 12:00am
Isa ring presidente ng National Sports Association (NSA) ang inaasahang ipapalit sa binakanteng posisyon ni judo association chief Capt. Reynaldo Jaylo sa Philippine Olympic Committee (POC).
Sinabi ni sepak takraw association head Gen. Mario Tanchangco na kinausap na ni POC president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. si shooting association prexy Art Macapagal para saluhin ang naiwang tungkulin ni Jaylo, nagkaproblema sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
"Congressman Peping Cojuangco have already talked to Art Macapagal regarding the position left by Capt. Jaylo," wika ni Tanchangco. "Pero wala pa namang formal agreement."
Iniwan ni Jaylo, pangulo ng Philippine Amateur Judo Association (PAJA) ang kanyang puwesto sa POC bilang second vice-president.
Sakaling tanggapin ni Macapagal ang naturang posisyon ni Jaylo sa POC, kikilos rin siyang chairman ng Ethics Committee.
Nauna nang nagtakda si Cojuangco ng isang special election sa Marso 29 para sa mga gustong sumalo sa binakanteng silya ni Jaylo.
Bukod sa pagiging second vice-president at chairman ng Ethics Committee sa POC, naiwan rin ni Jaylo ang kanyang tungkulin sa PAJA bilang presidente.
Ibinigay ni Jaylo ang naturang tungkulin sa judo association kay dating national judoka Dave Carter. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended