De-kalibreng shuttlers babandera

Sampu mula sa world top’s 12 players, kabilang ang anim sa women’s singles, ang babandera sa topnotch international field na maglalaban-laban para sa supremidad ng badminton sa first Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships na presinta ng PLDT Business Solutions na magbubukas sa Marso 1 sa PhilSports Arena.

Sina Wang Chen ng Hong Kong, ang World’s No. 3, Yao Jie at Athens Olympics silver medalist Mia Audina Tjiptawan ng Netherlands, ranked Nos. 5 at 6, ayon sa pagkakasunod at world, No. 8 Kaori Mori ng Japan, No. 11 Cheng Shou Chen ng Taiwan, at Malaysian World No. 12 Wong Mew Chew ang inaasahang maglalaban-laban para sa $8,280 purse na nakataya sa women’s singles na humakot ng mahigit sa 29 players mula sa 12 nations.

Samantala, mabibili na ang mga tickets sa lahat ng Ticketworld outlets na naka-package sa mga sumusunod na kategorya: March 1-3 Category 1 (P200); Category 2 (P150); Category 3 (P100); Category 4 (P50); Gallery (P10); March 4-5 Category 1 (P500); Category 2 (P350); Category 3 (P250); Category 4 (P150); Gallery (P20). Para sa detalye tumawag sa Ticketworld sa 891-9999 o mag-log-on sa online sa www.ticketworld.com.ph.

Sisimulan ang laro sa alas-2 ng hapon.

Ang $120,000 event ay isang four-star tournament na sanctioned ng IBF at hatid ng Bingo Bonanza, JVC, PLDT at Smart, na humakot ng 15 bansa at umabot sa 200 players ang sasabak para sa karangalan sa limang divisions, kabilang ang men’s singles, men’s at women’s doubles at sa mixed doubles.

Show comments