RP Open sa PhilSports pa rin

Sa kabila ng trahedyang naganap sa PhilSports kamakailan, mananatili pa ring itong venue ng first Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships na presinta ng PLDT Business Solutions, ayon sa organizing img.

Ito ang kanilang tugon sa maraming nagtatanong kung ang blue-ribbon event, na nakatakda sa Marso 1-5, ay lalaruin pa rin sa dating Ultra Arena matapos ang pagkamatay ng mahigit sa 70 katao sa naganap na stampede kamakailan.

Kasalukuyan ng mabibili ang mga tickets na ibinaba ang presyo sa lahat ng Ticketworld outlets at naka-package sa mga sumusunod na kategorya: March 1-3 Category 1 (P200); Category 2 (P150); Category 3 (P100); Category 4 (P50); Gallery (P10); March 4-5 Category 1 (P500); Category 2 (P350); Category 3 (P250); Category 4 (P150); Gallery (P20). Para sa detalye tumawag sa Ticketworld sa 891-9999 o kaya ay tumingin sa online sa: www.ticketworld.com.ph.

Pangungunahan ng reigning world at Olympic singles champion na si Taufik Hidayat ng Indonesia ang star-studded cast sa $120,000 event, isang four-star tournament na sanctioned ng (International Badminton Federation) at hatid ng Bingo Bonanza, JVC, PLDT at Smart.

Ang iba pang bansang nagkumpirma ng kanilang paglahok ay ang Netherlands, Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, Macau, Pakistan, Sri Lanka, Vietnam, Chinese-Taipei, Iran, Indonesia, Denmark, England, China, Korea, Thailand, at India.

Show comments