"We drew our strength from God," pahayag ng relihiyosong si Banal na siya ring nagturo sa kanyang mga bata na huwag mawalan ng tiwala sa Diyos sa likod ng kagipitan.
At ito nga ang kanilang ginawa. Kaya naman matagumpay silang nakabangon mula sa 0-2 deficit sa best-of-five championship series at angkinin sa pamamagitan ng 75-60 tagumpay sa deciding Game-Five laban sa Rain or Shine upang iselyo ang best-of-five championship series sa 3-2 panalo-talo noong Huwebes sa dinumog na San Andres Gym sa Malate, Manila.
"We believe faith changes path. We were down 0-2 and that we cannot do anything about it anymore. But faith gave us the strength to be positive," pahayag ni Banal na nagsubi ng kanyang ikalawang titulo bilang PBL coach.
Namayagpag ang Magnolia sa elimination round sa pag-ukit ng 7-1 panalo-talo bago lumasap ng tatlong sunod na kabiguan. Gayunpaman ay nakakuha pa rin sila ng awtomatikong semifinal slot at dinispatsa nila sa Final Four ang Granny Goose.
Masama ang kanilang naging simula sa championship series, matapos ang 78-80 overtime loss sa Game-One at pagka-unsiyami sa Game-Two sa 73-75 ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Banal na ginawang inspirasyon ang nagawa ng Purefoods sa kanilang kasalukuyang titular series laban sa Red Bull sa PBA.
"Even though 0-2 down ang Purefoods, coach Ryan kept reminding his players not to lose their hope," ani Banal. "And the result was Purefoods tied their championship series with Red Bull."
Matagal ring hindi nakatikim ng titulo ang pangalang Magnolia na huling nagkampeon noong 1990 Maharlika Cup ngunit ang pinakahuling korona ng San Miguel franchise ay ang 2004 Unity Cup kung saan tinalo ng Viva Mineral Water ang dating Welcoat team ng Welbest Franchise. (CVOchoa)