Balik-coach si Pumaren sa TnT

Opisyal nang pinili ng Talk N Text si Derrick Pumaren bilang head coach ng Phone Pals sa Philippine Basketball Association.

Nagsilbing coach ng Piltel, na binili ng Talk N Text ang prangkisa, papa-litan ni Pumaren ang nagresign na coach na si Joel Banal.

Pormal na inihayag ng management ng Phone Pals ang pagkakahirang kay Pumaren na tumabon sa haka-haka ng marami na si Chot Reyes ang napipisil ng TnT na papalit kay Banal.

Unang napabalitang si Reyes, ang head coach ng National Training Pool, ang napipisil ng Talk N Text.

Nagbalik na ang National Training Pool sa kanilang pagsasanay sa pag-asang maaalis na ang suspensiyon ng FIBA sa bansa na resulta ng awayan sa liderato sa Basketball Association of the Philippines.

Show comments