^

PSN Palaro

DO-OR-DIE HIRIT NG MAGNOLIA

-
Maaari nang mag-isip ngayon ng Game 5 si coach Koy Banal.

Itinulak ng Magnolia Dairy Ice Cream sa isang ‘winner-take-all’ game ang kanilang titular show-down ng Rain or Shine matapos iposte ang 61-57 overtime victory sa Game 4 sa PBL Heroes Cup Finals kahapon sa San Andres Gym sa Malate, Manila.

Ayon kay Banal, mala-ki ang naitulong ng Pangi-noong Diyos sa kanilang ikalawang sunod na tagumpay.

"I have to say this but you know, it’s the right hand of God. He gave us that heart, that mind, that wisdom," sabi ng karisma-tikong si Banal.

Ang naturang panalo ng Wizards, naiwanan sa 0-2 sa serye, ang nag-tabla sa kanilang best-of-five championship series ng Elasto Painters sa 2-2.

Sa Game 5, sa Huwe-bes, tiyak nang malala-man kung sino sa Mag-nolia ni Banal at Rain or Shine ni mentor Caloy Garcia ang tatanghaling kampeon.

Kaagad na nagdi-wang ang Elasto Painters nang kumayod ng isang fadeaway shot si Marvin Ortiguerra at lay-up si Jun-Jun Cabatu na nagbigay sa kanila ng 57-55 abante sa huling 1:13 ng over-time period.

Sa kabayanihan ni RJ Rizada, naagaw muli ng Wizards ang lamang sa 59-57 sa nalalabing 32.8 segundo bago ang dala-wang freethrows ni Ar-wind Santos mula sa kapos na tres ni MVP Jojo Tangkay sa posesyon ng Elasto Painters.

Nadala ang laban sa extension period nang isalpak ni Ortiguerra ang isang finger roll laban kay Kelly Williams para itabla ang Rain or Shine sa Magnolia, 48-48, sa nati-tirang 14.9 tikada sa fourth period. (RCadayona)

CALOY GARCIA

ELASTO PAINTERS

HEROES CUP FINALS

JOJO TANGKAY

JUN-JUN CABATU

KELLY WILLIAMS

KOY BANAL

MAGNOLIA DAIRY ICE CREAM

MARVIN ORTIGUERRA

SA GAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with