Sa pamumuno nina James Yap at Noy Cas-tillo, inangkin ng Pure-foods Chunkee ang Game 3 sa pamamagitan ng 103-97 tagumpay kontra Red Bull sa San Mig Coffee PBA Fiesta Cup Finals kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Bumawi si Yap mula sa kanyang malamyang 5 puntos sa Game 2 para maglista ng 17 produk-siyon, walo rito ay kan-yang hinugot sa fourth period, sa Game 3 na nagbigay sa Giants ng 1-2 deficit laban sa Bulls sa kanilang best-of-seven championship show-down.
Ang Photokina fran-chise ang nagbulsa ng Game 1 (107-102 OT) at Game 2 (98-84) bago ang pananaig ng Purefoods sa Game 3.
Kinuha ng Purefoods, huling nagkampeon noong 2002 PBA Gover-nors Cup, ang isang 10-point advantage, 54-44, sa first half bago nakadikit ang Red Bull sa 79-82 agwat sa 6:50 ng final canto mula sa inihulog na 11-4 bomba.
Isang 9-2 blitz naman ang iginanti ng Giants sa sumunod na tagpo, tam-pok rito ang 3-point shot ni Castillo at dalawang freethrows at jumper ni Yap, upang muling ilayo ang laban sa Bulls sa 91-81 sa huling 4:14 nito.
"Siguro its all about team effort," sabi ni Kerby Raymundo, nagtala ng 13 puntos, 11 boards at 9 assists, sa unang panalo ng Purefoods sa kanilang serye ng Red Bull. "Lahat talagang nagtrabaho para manalo. I think its all about trust sa isat isa kagaya ng gustong mangyari ni coach Ryan (Gregorio)."
Nang mawala sa laro si Chandler, umiskor ng 26 marka at 11 rebounds, sa huling 3:49 ng laban, sinandigan ng Giants sina Yap, Castillo, Raymundo at Jondan Salvador.
Dalawang basket ni Larry Fonacier ang muling nagbangon sa Bulls para sa kanilang 88-93 pagha-habol sa 2:09 ng sagu-paan bago ang isang tres ni Celino Cruz para sa kanilang 95-99 agwat, 25.0 segundo rito.
Ang Game-Four ay sa Miyerkules at gaganapin sa Araneta Coliseum.