^

PSN Palaro

Primero, humaharurot pa rin

-
KOTA TINGGI, MALAYSIA – Sa kabila ng apat na siklista lamang ang pumedal, nagawa pa rin ng PAGCOR-Casino Filipino cycling pro squad na makapagpakita ng maganda kung saan inilabas ni Albert Primero ang kanyang pinakamahusay na performance ng tumapos ng ikawalo sa Stage 7, may pitong segundong layo sa lap winner na si Elio Aggiano ng LPR sa TM Le Tour de Langkawi noong Huwebes dito.

Dahil sa madulas na daan bunga ng pagbuhos ng ulan, halos muntik-muntikan ng sumemplang ang mga siklista at naging mahirap para sa mga nakaligtas na 105-rider na kasali na makatapos ng karera kung saan ang mapanganib na galaw ni Primero sa third lap sa Cameron Highlands ang naghatid sa kanya bilang isa sa team’s top performers dito ng makipaghatawan siya sa pinakamahabang lap sa tour na 188 kilometrong karera sa apat na oras, 21 minuto at 43 segundo.

"Hindi masyadong mainit dahil sa ulan," ani Primero na umusad sa 23rd places sa overall sa Asian classification taglay ang 25:48.10, 44 minutong layo sa likod ng lider na si Hossein Askari ng Giant-Asia.

Dumating naman ang teammates ni Primero na si Victor Espiritu na huli ng 16 segundo kasama si Bernard Luzon, bagamat muli siyang bumagsak sa Asian Overall, nanatiling si Espiritu ang best Filipino performer na nasa No. 12, 21 minutong agwat kay Askari ng Giant ng Taiwan.

ALBERT PRIMERO

ASIAN OVERALL

BERNARD LUZON

CAMERON HIGHLANDS

CASINO FILIPINO

DAHIL

ELIO AGGIANO

HOSSEIN ASKARI

LE TOUR

VICTOR ESPIRITU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with